TULANSANGAN

Add to Favourites
Post to:

CHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 43 MALAY Chipaparu at Pukitakte: Tulansangang Sekswal, Pangmadlang Midya at ang Industriya ng Kulturang Popular Michael Francis C. Andrada Unibersidad ng PilipinasDiliman, Pilipinas Sinisipat sa pag-aaral ang makapal na lubid na nagdurugtong sa mga tulansangan (tula at tugmang nilikha o ginamit ng mga bata sa kanilang paglalaro o paghuhuntahan sa lansangan) at sa mga produkto ng industriya ng kulturang popular na kadalasang inilalako sa pangmadlang midya. Taliwas sa tila pino at sinala nang mga tulang bayan at tulansangan sa maraming teksbuk at antolohiya, ang mga tulansangang ginamit sa pag-aaral ay hango mismo mula sa pakikipanayam sa mga batang impormante sa ibat ibang lansangan ng Lungsod Maynila at Quezon at iba pang bahagi bansa. Ang mga primaryang teksto ay kakikitaan ng lantad na kabastusansekswal man o politikal. Ipinamalas din sa pag-aaral na ito ang transgresyon na pinababalong sa piling tulansangan. Kung kaya sa daloy ng pag-aaral, matingkad ang paghuhulas ng rekomendasyon na malaki ang potensiyal ng mga tulansangan para sa mga transgresibong proyekto. Sa Pilipinas, ang industriya ng kulturang popular ay hawak ng monopolyo kapitalismo (o imperyalismong Estados Unidos) at ng lokal na naghaharing uri tulad ng burgesya komprador. Mayroong limang batayang katangian ang monopolyo kapitalismo: (1) ang pag-unlad ng konsentrasyon ng produksyon at kapital ay lumikha ng mga monopolyo ng iilan na naging mapagpasya sa buhay pang-ekonomiya; (2) ang kapital sa bangko, na tradisyunal na pangkalakalan, ay sumanib sa kapital sa industriya, at ang kapital sa pinansiyang ito ay lumikha ng oligarkiyang pinansiyal; (3) ang mas mataas na pagpapahalaga sa pag-eksport ng kapital kaysa sa pag-eksport ng komoditi; (4) ang pormasyon ng global na monopolyo kapitalismo na pinaghahati-hatian ang buong mundo, at (5) ang pagkumpleto sa teritoryal na dibisyon ng buong mundo sa mga dambuhalang kapitalistang kapangyarihan. (Guerrero 2006, 65-66; Sison 1998, 18-19) Kaugnay nito, sumulpot naman ang burgesya komprador bilang bagong uring panlipunan nang mangibabaw sa Pilipinas ang monopolyo kapitalismong Estados Unidos. Ang burgesya komprador ang nagsisilbing mediatoro tagapamagitanng lokal na ekonomiya at ng produkto at puhunan ng mga korporasyong44 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 Amerikano. Naakumula ng mga burgesya komprador ang pinakamalaking kapital sa lokal bunga ng primaryang papel nito bilang ahenteng pinansiyal ng imperyalismong Estados Unidos. (Guerrero 134-135) Sa industriya ng kulturang popular, lahat ng bagay ay maaaring gawing kapital ng isang negosyante o mamumuhunan upang pagkunan ng pinansyal at politikal na ganansya. Isa sa napakalaking pinupuntirya ng monopolyong kapitalismo (o imperyalismo) bilang balon ng kapital ay ang usapin ng politiko-sekswalidad (politikang sekswal o sexual politics) sa Pilipinas. Nauna nang ginamit ng maraming feminista ang feminisasyon ng globalisasyono ang intensibong proyekto ng globalisasyon sa paggamit sa katawan at imahen ng kababaihan bilang global na kapital. Sa feminisasyon ng globalisasyon, ang heyograpikal na ekspansyon ng merkado ay nangangahulugang ekspansyon ng pang-aalipin at pagsasamantala. Hindi na lamang mga produktong kultural at teknolohikal ang inilalako, inihuhulma rin ang mga produktong kultural at teknolohikal sa hubog ng katawan at sa imahen ng kababaihan. Sa feminisasyon ng globalisasyon, sinusuri ang pagtaas ng antas ng magkaugnay o dobleng pagsasamantala ng sistemang kapitalista at sistemang patriarkal. Samakatuwid, tulad ng tinatalunton sa Globalization Issueng Feminist Review, ang globalisasyon ay ang higanteng patriyarka (Brah et al. 2002). Samakatuwid, umaandar ang globalisasyon bilang isang mapagsamantalat makapangyayaring lalaki. Ang mga monopolyong kapitalista na nagpapaimbulog ng globalisasyon ay nasa hulma rin ng patriyarka. Sa huling pagsusuri, ginagawang lalaking tagakonsumo ang lahat ng tagakonsumo. Masisipat ito sa tumitinding prostitusyon ng kababaihan sa pandaigdigang saklaw, sa domestikasyon ng paggawa sa pandaigdigang saklaw, sa pagpapaseksi ng oras at siyudad, at sa iba pang manipestasyon sa lokal man o global na antas. Sa ganitong hugis maaaring simulan ang pagsusuri sa dialogical relations ng mga tulansangan at ng mga produkto ng industriya ng kulturang popular na pinatatagos sa pangmadlang midya. Seks o sekswalidad ang isa, kundi man ang tanging pinakamabentang produkto ng monopolyong kapitalismo. Kapag sinabing pinakamabentang produkto,hindi ito nangangahulugan na ito ang likas na hinahanap o hinihingi ng mamamayan. Bagkus, ito ang artipisyal na produktong pinababaha sa merkado. Kung gayon, mas marapat sabihing seks o sekswalidad ang pinakapuhunan ng monopolyong kapitalismo para sa projeksyon ng pinakamalaking tubo at ganansya. Napakaebidente nito sa lahat ng daluyan ng kulturang popular gaya ng telebisyon, radyo, world wide web, cellphone, pahayagan, billboard, at iba pa. Hindi nakapagtatakang malawak ang pagkokomunika ng ganitong uri ng komersyal na karanasan dahil ito mismo ang depinitibong operasyon ng monopolyong kapitalismo. Sa Pilipinas, hawak ng burgesyang komprador ang mga pinakaabanteng ahensya ng komunikasyon. Sa pangmadlang midya ay epektibong naipatatagos ng namamayaning uri at ng monopolyong kapitalismo ang lahat ng diskurso nito. Ayon nga kay Raymond Williams: Ang mga pamamaraan ng komunikasyon ay mga pamamaraan ng produksyon. Totoo na ang pamamaraan ng komunikasyon, mula sa pinakapayak na pisikal na porma ng wika hanggang sa pinakaabanteng porma ng komunikasyong pangteknolohiya, ay lagit laging nililikha at muling-nililikha ng lipunan at ng materyal na kondisyon. Ngunit hindi lamang ito mga porma kundi mismong pamamaraan ng produksyon, lalunat ang komunikasyon at ang mga materyal na kaparaanan nito ay esensyal sa lahat ng porma ng organisasyong paggawa at panlipunan.... (2005, 50) (Means of communication are themselves means of production. It is true that means of communication, from the simplest physical forms of language to the most advanced forms of communications technology, are themselves always sociallyCHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 45 MALAY and materially produced, and of course reproduced. Yet they are not only forms but means of production, since communication and its material means are intrinsic to all distinctively human forms of labour and social organization....) Mula rito, hindi na mahirap tahiin na kung sino ang may hawak ng paraan ng komunikasyon (means of communication)at, sa kasalukuyan, ang itinatanghal na awtoridadsa pamamaraan ng komunikasyon ay ang pangmadlang komunikasyon(mass communication) na binuo at dinodomina ng burgesyang komprador at monopolyong kapitalistaay siyang may kontrol sa kung anong politika at ideolohiyang padadaluyin dito. Sa madaling salita, kontrolado ng burgesyang komprador at monopolyong kapitalista ang panlipunang produksyong isinusubo sa masa sa pamamagitan ng kanyang pangmadlang komunikasyon. At sa gayong hibo rin masisilo na ang pangmadlang komunikasyon sa bansa ay instrumento ng nangingibabaw na sistema. Chipaparu: Doblekarang Produksyon ng Seks sa Pangmadlang Midya Kontrolado ng burgesya at komprador at monopolyong kapitalista ang panlipunang produksyon ng seks at sekswalidad sa bansa, lalo na sa siyudad. Ngunit doblekara rin ang produksyon ng seks at sekswalidad sa pangmadlang midya. Habang direkta at indirekta nitong ibinebenta ang anumang bagay na may kaugnayan sa seks, itinatatwa rin nito ang labis na pagtalakay sa seks. Hindi ito nakapagtataka sapagkat bukod sa burgesya at komprador, ang Simbahang Katoliko ang may pinakamalaking impluwensya sa kultura at politika ng bansa. Nagsimula ang ganitong impluwensya ng Simbahang Katoliko nang dalhin ito sa bansa ng kolonyal na rehimeng Kastila. Sa kasalukuyan, panaka-naka ang direktang partisipasyon ng Simbahang Katoliko sa politika sa bansa at madalas ay patago ang partisipasyon nito. Ayon kay Jose Ma. Sison, Resulta lamang ng rebolusyong Pilipino noong 1896 ang pagiging mas maingat at madalas na patagong partisipasyon ng Simbahang Katoliko sa pulitika ng Pilipinas(2001, 263). At bunga rin nito, mas matingkad ang pagiging agresibo ng pambansang burgesya sa pagkontrol sa kultura, politika, at ekonomiya ng bansa. Gayunpaman, aktibo pa rin ang papel ng Simbahang Katoliko sa paghuhulma ng buhay at kultura ng mga Pilipino. Makikita ito sa lalim ng pagdukit nito mula sa kolonyal na pagpapatimbuwang ng mga Kastila. Samakatuwid, ito ang salimbayang paghahari ng burgesya at komprador at Simbahang Katoliko na kapwa yumayakap sa monopolyong kapitalismo. Ang salimbayang paghaharing ito ang nagtatakda ng mga permutasyon ng seks at sekswalidad na ipoprodyus at irereprodyus sa pangmadlang midya. At, higit sa lahat, nasa diktum ng monopolyong kapitalismo kung anu-ano ang ipadadaloy ng salimbayang paghaharing ito. Anumang permutasyon ng seks at sekswalidad ang ipinamamalas sa pangmadlang midya ay nasa ugnayang bulgarkonserbatibo. Sa larangang ito, bagaman tila magkabilaang dulo, pinag-iisa ang bulgarismo at konserbatismo. Pinag-iisa ang tila oposisyonal na mga puwersang ito ng iisang layunin: ang layuning magkamal ng kita. Sa pamamagitan ng pag-iisa ng bulgarismo at konserbatismo, nagiging mas katanggap-tanggap ang usapin ng seks at sekswalidad. Ngunit dapat itanong: Anong uri ng seks at sekswalidad ang katanggap-tanggap? Mula rito, maaari nang gayatin at kolektahin kung papaanong ang mga tulansangang sekswal2 ay nagiging monopolyo kapital. Taglay rin ng maraming sekswal na tulansangan ang pag-iisa ng bulgarismo at konserbatismo. Sa tulansangang May Asawa na Ako,halimbawa, pinapayagang hayag na pagusapan ang pagtatalik (bulgar) dahil nasa konteksto ito ng kasal (konserbatibo): May asawa na ako. Sino? Hindi ko sasabihin. Bakit? Sinayaw niya ako. Paano? Ganito: Chipaparu, chipapaparu. (Jarabeo, et al.)46 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 Sa naratibo ng naturang tulansangan, idedeklara ng persona sa unang linya na mayroon na siyang asawa (May asawa na ako). Ang deklarasyong ito ay nagpapamalas ng normatibo ng pag-aasawa. Ang deklarasyon ring ito ng konserbatismo (ibig sabihin, nagpasaklaw na sa konserbatibong normalidad ng pagpapakasal o pag-aasawa) ang siyang magbibigay-pahintulot sa persona na ibulgarna ang kuwento kung paano siya nagkaasawa. Bagaman, hindi sasabihin ng persona kung sino ang kanyang napangasawaibig sabihin, pinili niyang ilihim ang identidad nitoihahayag naman niya kung paano niya ito nakilala: sa isang sayawan (Sinayaw niya ako). Ngunit hindi payak na sayaw ang pinatutungkulan sa tulansangan, kundi ang mismong akto ng pakikipagtalik. Sa mas partikular, ang naganap na pagtatalik ay wala sa saklaw ng kasal, kung kaya ang aktong ito ay bulgar. Maaari ring basahin ng huling linya ng tulansangan bilang patungkol sa oral sex (chipaparu katunog ng salitang balbal na chupao tsupa; o di kaya ay pahaging sa cheap na paruparo3 o mababang klase ng babae; prostituted; pokpok). Kung kaya, masisilo sa tulansangang ito na bagaman bulgar naman talaga ang mensahe ay maaari nang tanggapin dahil nasa konteksto ng kasal. Isa itong mahusay na halimbawa ng pagiisang bulgarismo-konserbatismo. Bulgar ito pero konserbatibo. Ayaw ito ng simbahan, pero gusto ito ng burgesyang komprador. Ang seks at sekswalidad, sa anyong ito ng bulgar-konserbatibo, ang pangunahing porma ng komodipikasyon nito. Katulad ng ipinatatagos ng monopolyong kapitalismo sa pangmadlang midya, inilalagay nito ang mamamayan sa sapatos ng konsumer o mamimili. Ihahayag nito sa mamamayan na karapatan nilang pumili at bumili. At, kung susuriin ang lohikang ito, makakatas na ang ibinibentang seks at sekswalidad na nakapakete bilang pinag-isang bulgarismo at konserbatismo ay bahagi ng reaksyonaryong modernismo: bawal pero pinapayagan. Higit sa lahat, pinahihintulutan ito dahil ang seks at sekswalidad na ito ay nakaayon sa gahum ng monopolyong kapitalismoang seks at sekswalidad bilang monopolyong kapital. Sa ganitong punto, ang tulansangang sekswal, malay man o hindi, ay nagsisilbing monopolyong kapital. Bubuka ang Bulaklak ni Pamela: Pagsasa-Novelty ng Tulansangan Mariin ding makikita sa komodipikasyono ang pagsasa-noveltyng mga tulansangan kung paanong ang mga ito ay nagiging monopolyong kapital. Dalawang tulansangan ng mga bata ang kinuha ng mga kapitalista upang gawing novelty song.: (1) ang tulansangang Pamela One(Jarabeo et al.) na ginawang songdance hit na Pamelana kinanta at sinayaw ng komedyanteng si Vhong Navarro; at (2) ang tulansangang Sasara ang Bulaklak(Rosales) na ginawang senswal na novelty song na Bulaklakni Lito Camo para sa sexy group ng kababaihan, ang Viva Hotbabes. Kapag tinilad ang pagsasa-novelty ng mga tulansangang ito, makikita kung paanong hinubog at binago ng monopolyong kapitalismo ang imahen ng mga babaeng nasa tulansangan. Kung titingnan ang tulansangang Pamela One,makikita na ang ehersisyo ng pagbibilang ay ginagamit sa payak na hand-flashing at hand-clapping na laro. Habang umuusad ang kanta, makikita ang progresyon ng bilang mula Pamela onehanggang pamelamela four: Pamela one, pamelamela one. Pamela two, pamelamela two. Pamela three, pamelamela three. Pamela four, pamelamela four. (Jarabeo et al.) Ngunit pagdating sa novelty song na inawit ni Vhong Navarro, patitingkarin ang sekswal na aspekto nito sapagkat bukod sa progresyon ng bilang sa korus ng kanta, hihingin rin na igalaw ang katawan,kumembot nang ganito,gumiling na parang kinikilitiat sumayaw, gumalaw na parang natutunaw.Ang mga linyang ito ay isasalin sa binuo nang mga hakbang para sa pagsasayaw na ito na iminuwestra ni Navarro. Mula naman sa tulansangang Sasara ang Bulaklak, Bubuka ang Bulaklak,ang isa sa pinakalumang tulansangang buhay hanggang sa kontemporaryongCHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 47 MALAY panahon, ilalantad ang mahihibong erotikong erudisyon nito sa pagiging pornograpiko ng novelty song na Bulaklak.Sa katunayan, dati nang batid ang erudisyong erotiko ng nasabing tulansanganang pailalim na pagpapahayag ng sekswal na kaluguran sa pamamagitan ng pagtatalik: Sasara ang bulaklak Bubuka ang bulaklak Dadaan ang reyna Sasayaw ng cha-cha Boom tihaya, boom tihaya, boom, yeah, yeah! (Rosales) Ngunit pagdating sa novelty song, magiging pornograpiko ito sa pamamagitan ng pagpapakete ng kanta kasama ang sexy group na Viva Hotbabes. Sa katunayan, habang kinakanta ito ng Viva Hotbabes ay sinasayaw rin nila ito sa pamamagitan ng pagtuwad-tuwad, pagbukaka, paggiling pababa habang nakasuot ng pinakamaiigsi at pinakamaninipis na bikini. Kahit nga hindi na tingnan pa ang aspekto ng senswal na pagsasayaw ng mga babaeng ito ay masasabing pornograpiko ang pamamaraan sa novelty song na ito. Ani Allison Pease, ang pornograpiya ay sekswal na panitikang isinulat para sa kita at may ispesipikong layunin ng pagtukoy at pagbuo ng pisikal na suhetibismo at konsumpsyong pangkatawan (2000, 79). Sa katunayan, sa yugtong ito ng monopolyong kapitalismo, mas intensibo ang pagpopornograpiyana maging ang mga bagay na malinaw na walang reperensya sa seks o sekswalidad ay ipapakete nito bilang pornograpiyang puspusang ibebenta. Halos wala naman talagang binago sa mga liriko ng tulansangan pagdating sa novelty song. Ngunit mayroong kapansin-pansin na isang linyang tinanggal sa novelty song na Bulaklak.Tinanggal mula rito ang linyang dadaan ang reyna pakembutkembot pa.Magandang suriin kung ano ang epistemikong dahilan ng pagtatanggal ng linyang ito. Sa tulansangan, masusuri na ang pagdaan o pagpasok ng reyna, habang kumekembut-kembot, sa bumubukang bulaklak ay signipikasyon hindi lamang ng simpleng erotisismo kundi ng lesbianismo. Sa katunayan, kung susuriin, napakaabante ng erotisismong ipinahahayag sa tulansangan sapagkat ipinapakita nitong normal na kaganapan ang sekswal na pagpapaligaya ng dalawang babae sa isat isa. Ito rin ang mismong tatanggalin sa novelty song hindi lamang dahil sa usapin ng pagiging moralistiko, ngunit lalot higit dahil sa napakasubersibo ng linyang itoipinakikintal nito sa patriyarka-metropolis-estado na normal ang pagmamahalan at pagpapakalugod sa pagitan ng dalawang babae. Maaaring basahin, kung gayon, na malay na tinanggal ang linyang ito pagdating sa novelty song sapagkat ayaw nitong mang-engganyo ng lesbiyanismo. Samakatuwid, mula sa matingkad na erotisismong lesbiyana sa tulansangang Sasara ang bulaklak,magiging heterosexistang pornograpiya ito sa novelty song na Bulaklak.O, Ang Babae, Pag Kinakati: Feminisasyon ng Tulansangan Ang heterosexistang pornograpiya ang isa sa pinakamalaking proyekto ng kulturang popular bilang bahagi ng feminisasyon ng monopolyong kapitalismo. Sa feminisasyon ng monopolyong kapitalismo, ang lahat ng bagay ay maaaring ituring bilang sekswal na kapital. Hindi ito nangangahulugan na sa pagpapatingkad ng mga feminine na katangian ay isinusulong nito ang feminismo. Sa katunayan, ang feminisasyon ay ang kumpletong kabaligtaran ng feminismo. Ginagawa nitong feminisado ang anumang bagayinihuhulma ang mga kapital bilang babaeng objek ng kaluguran upang gawing makalalaki ang paningin ng nasasaklaw ng monopolyong kapitalismo. Ang siyudad, halimbawa, ay huhulmahin ng pambansang burgesyang estadobilang babae. Ibubukas ang siyudad sa mamumuhunang dayuhan, ngunit nakapakete ito bilang babae. Sa aspektong ito, ipagpapatuloy pa ni Neferti Xina M. Tadiar ang pagdiskurso na hindi lamang ang estado ang lalaki kundi maging ang lokal na nagpapatakbo ng siyudad (1995, 302). Sa kaso ng Metro Manila halimbawa, makikita na ang siyudad ay nilalalang bilang domestikadong katawan ng babae. Tulad ito ng matutunghayan sa48 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 feminisasyon ng kulay ng mga Metro Manila Development Authority (MMDA) footbridge, urinal, at iba pa. Sa istiryotipikal na asosasyon ng pagkababae sa kulay rosas o pink, inihahayag ng MMDA ang pagwawasiwas nito ng pagkalalaki at makalalaking kapangyarihan. Ang mga itinatayong istruktura ng MMDA na ginagawang feminisado ang kulay ay partikular na pagpapaigting ng historikal na pagkontrol sa katawan at imahen ng kababaihan. Makikita ang kontrol ng lalaking-metropolisestado sa babaeng-siyudad maging sa tulansangang sekswal. Sa katunayan, ang tulansangang sekswal ay ituturing rin ng lalaking-metropolis-estado bilang domestikado o prostituted na babae; bilang sekswal na kapital ng lalaking-metropolis-estado. Lubos itong makikita sa ideolohiyang bitbit ng mga tulansangang sekswal. Sa pagkakatalogo ng pagbilang, o progresyon ng pagbibilang, tila ipinahihiwatig ang pagbibilang o pagkakatalogo ng mga babae bilang produkto o kapital ng monopolyong kapitalismo. Paano nga ba hinuhulma ng monopolyong kapitalismo ang kababaihan? Makikita ito sa putul-putol ngunit maaaring pagdugtung-dugtunging tulansangan. Sa tulansangang May Model One(Bernal et al.), hinuhugis ng lipunan na ang babae ay dapat kawangis ng mapuputit seksing modelo. May model one, May model two, May model three. May flawless one, May flawless two, May flawless three. (Bernal et al.) Bukod pa rito, nararapat na ang babae ay maging flawless o makinis. Hindi nakapagtatakang flawlessang ginamit sa tulansangan sapagkat ito ang trademark phrase ni Rosanna Roces bilang isa sa mga host ng showbiz talkshow na S-Files. Kung tutuusin, malalim ang pagpapakahulugan sa salitang ito sapagkat bitbit nito ang mismong erudisyon ng kagandahang ayon sa dikta ng monopolyong kapitalismo. Mapapatindi pa ang asersyong ito sa pagtatayo ng negosyong nakasentro sa pagpapaganda, at papangalanan itong Forever Flawless.At, kung idurugtong sa May Model Oneang tulansangang Katawan ni Booba(Bernal et al.), masisipat kung ano ang inilalarga ng monopolyong kapitalista na modelo ng hubog ng katawanang katawan ng mga sexy singer (nina Booba at Mystica) at ang katawan ng dalawang miyembro ng Sex Bomb Dancers (nina Rochelle at Jopay): Katawan ni Booba (4x) Katawan ni Mystica (4x) Katawan ni Rochelle (4x) Katawan ni Jopay (4x) (Bernal et al.) Malinaw na ang feminisasyon ng kapitalismo ay lumilikha ng feminisasyon ng kapital, tulad ng feminisasyon ng tulansangan. Bukod sa pagtatakda ng istandard ng kagandahan at kaseksihan, dinadalirot din ng monopolyong kapitalismo ang lahat ng maaari nitong dalirutin sa katawan ng babae. Makikita ito sa tulansangang Tattoo ni Ara Minakung saan ang simpleng pagpapahayag na ang tattoo ni Ara Mina ay nasa susoay walang ipinagkaiba sa paglelente o paninilip na siyang pinakapangkaraniwang praktis ng pangmadlang midya, lalo na sa mga pelikulang senswal: Tattoo ni Ara Mina Nasa suso (Galvez) Ngunit sa kaso ng aktres na si Ara Mina, hindi lamang ang pagdadalirot ng kanyang senswal na katawan ang magiging pokus ng kasalukuyang imbestigasyon sa kanyang katawan. Noong Marso 2007, naging sentro ng mga balita sa radyo, dyaryo, Internet at TV ang diumanoy kontrobersyalna mga litrato ni Ara Mina kasama ang Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Jose Ma. Sison sa isang Christmas party ng mga migranteng Pilipino sa The Netherlands, kung saan nakapolitical asylum si Sison (Sison 2007). Nakita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga litratong ito sa web site ni Sison. Sa mga litrato, nakikipagsayaw at nakikikanta si Sison sa seksing si Ara Mina. Makikita sa mga litrato kungCHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 49 MALAY gaano kaalindog ang hubog ng katawan ni Ara Mina. Sa katunayan, ang pagpakete ng prodyuser at manedyer ni Ara Mina na dumalo sa Christmas party ng mga migrante bilang performer ay tumutugon sa pagpapalutang ng kanyang katawan bilang monopolyong kapital. Samakatuwid, ang pagiging sekswal na monopolyong kapital ni Ara Mina ang naging basehan ng AFP sa pagtirada kay Sison. Ayon sa AFP, ang makita si Sison na kasama si Ara Mina ay patunay na masaya at maaliwalas ang buhay ni Sison sa The Netherlands samantalang ang mga kakampi at ang masang pinaglilingkuran ni Sison ay naghihirap sa Pilipinas. Kung susuriin, ang concoction ng AFP ang pinakabagong propaganda ng demonisasyon kay Sison, at lumilitaw kung paano itinuturing si Ara Mina bilang isang overdetermined product of feminization ng global na kapitalismo. Sa pagturan ng AFP, sinasabi nito na si Ara Mina ay sekswal na kapitalat sinumang manood ng kanyang pelikula o sinumang makasayaw niya sa isang okasyon o sinumang makasama niya sa larawan ay awtomatikong naluluguran. Samakatwid, kung susuriing mabuti ang pahayag ng AFP, pinatitingkad nito ang pagtingin sa kababaihan bilang balon ng sekswal na kaluguran. Ang buong diskurso ng paglalang sa katawan at imahen ng babae bilang sekswal na kapital ay patitingkarin pa sa ikinakalakal na makabagong babaeang babaeng bukod sa nagbibilad ng katawan ay naglalantad din ng pagkahilig sa sekswal na kaluguran. Pupuntiryahin tiyak ng mga moralista sa lipunan ang ganitong erudisyon ng sekswal na kaluguran ng kababaihan, ngunit habang labis naman itong ikinalulugod ng lalaking metropolis-siyudad tulad ng matutunghayan sa tulansangang Ang Puke Ko na Kulay Rosas: Ang puke ko na kulay rosas Namumukadkad pag hinimas-himas At ang namumulang talulot Dinadapuan ng mga bubuyog Kapag akoy nalilibugan, tumitihaya Kahit na sa lansangan. At ang bawat makakakita Lagi kong pinapatungan. Tigidong, tigidong, tigidong Ang puke kong makipot Nahihiga makita namamasa Ang hindi igot-igot-igot Nagsasaka si Dudong Mula nang makita ang bulkan ko at kuweba Dangan at dalaga lalo nat merong regla. (Ibanez). Sa tulansangang ito, inihahayag ng persona ang hilig niya sa seks. Sa katunayan, sasabihin ng persona sa tulansangang ito na Ang puke ko na kulay rosas /Namumukadkad pag hinimashimas.Titindi pa ang ekspresyon ng sekswal na kaluguran ng babaeng persona sa mga linyang Kapag akoy nalilibugan, tumitihaya /Kahit na sa lansangan /At ang bawat makakakita /Lagi kong pinapatungan.Ang persona sa tulansangang ito ay tila ang persona rin sa tulansangan O ang Babae, Pag Kinakati: O ang babae, pag kinakati Uupo na lamang sa isang tabi Punta sa sulok, kuha ng talong Isaksak sa puke, tanggal ang kati.(Danan) Ang pagkakaiba lamang, kapag gustong tugunan ng babae sa tulansangang O ang Babae, Pag Kinakatiang kanyang pangangati,hindi na siya maghahanap pa ng lalaki bagkus ang rekurso niya ay ang pag-punta sa sulok, kuha ng talong /Isaksak sa puke, tanggal ang kati.Halos katulad ng sekswal na kondisyong ito ang inihahayag sa tulansangang Dalaga Ako, Dalaga Ako(Mendoza). Mayroong tatlong saknong ng tulansangang ito. Sa bawat saknong, ang premise ay may isang dalaga na gusto nang mag-asawa at inilalahad niya ang mga tipo ng lalaking gusto niyang mapangasawa: Dalaga ako, dalaga ako Mag-aasawa na Ang pipiliin ko Anak ng bombero Bomba diyan, bomba diyan Bombahan kami, bombahan kami50 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 Hanggang hatinggabi Dalaga ako, dalaga ako Mag-aasawa na Ang pipiliin ko Anak ng mekaniko Kalikot diyan, kalikot diyan Kalikutan kami, kalikutan kami Hanggang hatinggabi Dalaga ako, dalaga ako Mag-aasawa na Ang pipiliin ko Anak ng panadero Lamas diyan, lamas diyan Lamasan kami, lamasan kami Hanggang hatinggabi (Mendoza) Sa unang saknong, sasabihin ng dalaga na ang pipiliin ko /anak ng bomberodahil sigurado na kapag ito ang napangasawa ng dalaga ay magbo-bombahan kami /hanggang hatinggabi.Sa ikalawang saknong, ay anak ng mekanikoang pipiliin ng dalaga para kalikutan kami /hanggang hatinggabihabang sa ikatlong saknong, anak ng panaderopara lamasan kami /hanggang hatinggabi.Makikita na ang basehan ng pagpili ng dalaga ng kanyang mapapangasawa ay kung matutugunan ng lalaki ang kanyang tila walangpatid na kahingiang sekswal. Matingkad sa mga tulansangang ito ang kondisyon ng paghahanap ng isang liberated at makabagong babae ng sekswal na kaluguran. Habang isusumpa ito ng Simbahang Katoliko, maingat na ipagbubunyi at agresibong ikakalakal naman ito ng siyudad-estado na may makalalaking oryentasyon. Ito ang tinatawag na prostitusyon. Pukitakte at Hospitite: Sexismo sa Yugto ng Monopolyong Kapitalismo Ngunit ang prostitusyon ay hindi lamang nakatali sa nosyon ng pagbebenta ng sekswal na kaluguran ng isang nilalang. Kung susuriing mabuti, ang prostitusyon ay isang ilehitimong kalakalan na ginagawang lehitimo ng monopolyong kapitalismo. Ito ang antagonismo ng moralistikong prostitusyon at kapitalistang prostitusyonna kung tutuusin ay kapwang nagsisilbi para sa interes ng naghaharing uri. Habang mababanaag sa prostitusyon ang paglabas ng indibidwal at siyudad sa mismong ideyal na imahen ng tao at lipunan, tinatanghuran naman ito at ikinakalakal ng ilehitimong pagnanais ng kapitalismo tulad ng makikita sa tulansangang Nagpunta Ako sa Luneta(Panerio): Nagpunta ako sa Luneta Kinagat ako ng pukitakte, pukitakte Dinala ako sa hospitite Binigyan ako ng bulbolgum Pampasarap ng pukiramdam. (Panerio) Sa tulansangan, sinabi ng persona na nang siyay kinagat ng pukitakteay kinailangan niyang dalhin sa hospitite.Malinaw ang subersyon sa tulansangang ito ng mga bata, lalo na at itinatago nila sa mga di-bastos na salita ang mga salitang bastostulad ng puke, titi at bulbol. Ikinakabit nila ang mga salitang ito sa mga salitang tulad ng putakte, hospital, bubble gum, at pakiramdam kung kaya napalulusot sa pandinig ng matatanda. Gayunpaman, masisilo sa tulansangang ito kung saan makikita ang talamak na pagkakalakal ng katawan (Nagpunta ako sa Luneta /Kinagat ako ng pukitakte, pukitakte) na pampasarap ng pukiramdam.Tulad ng iba pang pampublikong lunan sa kalakhang Maynila, nagsisilbi ang Luneta bilang lokus ng impormal na ekonomiya ng prostitusyon. Habang sinasabi ng mga awtoridad na malaki ang tsansang makakuha ang isang tao ng sexually transmitted diseases sa pagpaloob sa prostitusyonhabang ipinagbabawal ito ng estadoang estado rin mismo ang nagpapahintulot at nagtutulak sa mga katawan upang pumaloob sa nasabing kalakalan. Ang ganitong doble-karang estado ay makikita sa mga proyekto ng paglilinis ng siyudad ng estado, tulad ng clean-up drivenoon ng mulingnahalal na alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim (Tadiar 300). Sa katunayan, si Lim pa ang nagmumungkahi sa mga may-ari ng mga bar atCHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 51 MALAY club na gawin na lamang lehitimong negosyoang kanilang mga establisimiyento. Samakatuwid, hindi naman talaga lubos ang pagwawaksi sa prostitusyon, bagkus ay ipinapapakete ito sa lehitimong anyo.At sa kaso ng mga monopolyong kapitalista, naipakete na nila ang prostitusyon sa lehitimong anyo ng pelikula, fashion show, beauty contest, Sex Bomb Dancers, at iba pang permutasyon ng babae sa lehitimong anyo ng pangmadlang midya. May dibisyon ng panlipunang uri sa pagtingin sa prostitusyon. Ang prostitusyon sa pangmadlang midya ay mas madaling napatatanggap ng monopolyong kapitalista. Ang araw-araw at gabigabing prostitusyon ng kababaihan sa mga pelikula, programang pantelebisyon, patalastas ng alak, billboard, at magasing pangkalalakihan ay lehitimo na. Ngunit ang prostitusyon sa lansangan, bagaman ito ay bukas na lihim, ay ilehitimo pa rin. Bukod dito, ang ganitong klase ng prostitusyon sa lansangan ay mahigpit na ikakawing sa masa at sa mababang uring panlipunan. Matutunghayan ito sa dalawang bersyon ng tulansangang May Martilyo, May Pako.(1) May martilyo, may pako Anong tunog? Pokpok! Again, again. Pokpok! Pakilakas! Pokpok! Pakisigaw! Pokpok! Si _______ ay pokpok! (Babila) (2) May martilyo, may pako Anong tunog? Pok, pok. Pakilakaspok, pok. Pakihinapok, pok. Ang nanay mopok, pok! Pakisigawpok, pok! (C. Ramos) Umiinog ang dalawang bersyon ng tulansangan sa paglalaro sa tunog na nabubuo ng pagtama ng martilyo sa ulo ng pako. Tatanungin sa kapwa bersyon kung anong tunogang mabubuo ng martilyo at pako. Matapos ang unang tanong, ipauulit ng persona kung ano ang sagot, ngunit nasa anyo ng ibat ibang lebel ng pagsambit (Pakilakas, Pakihina, o Pakisigaw). Hanggang sa dumating sa puntong papangalanan na kung sino ang pokpok(unang bersyon, Babila at Racal). Sa ikalawang bersyon (C. Ramos) naman ay tutukuyin na nanay mo,o nanay ng kausap ng persona ang pokpok.Gayundin ang matutunghayan sa tulansangang Bata-batuta, Isang Dakot ng Muta: Bata-batuta, isang dakot ng muta Sa mundong ito, pano ka ginawa? Ulo-ulo lang, di kasama katawan Sabog pati laman Uso na naman ang banderang puti Kaya mga babae nagsisilandi Pumuntang hotel, bumili ng mani Bago suklian, nagpahipo ng mani Pumuntang tulay, bumili ng taba Hindi pala taba kundi puke ng matanda (Ocbena) Ngunit ang kaibahan nito ay mayroong pinapasok na dalawang dimensyon. Una, malinaw ang alingawngaw ng tulang bayang Bata, Batutatungkol sa pagiging inosente ng bata. Kung kaya sa tulansangan, makikita ang paghulagpos mula sa kainosentehang ito. Sa katunayan, tinatanong ng persona ang bata sa tulansangan ng sa mundong ito, pano ka ginawa?na sasagutin din naman ng persona sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol sa aktibidad ng mga babae(ng) nagsisilanditulad ng pumuntang hotel, bumili ng maniat nagpahipo ng mani.Sa wikang balbal, ang salitang mani ay metapora para sa kabahagi (o maselang ari) ng babae. Ikalawa, nakapasok sa tulansangan ang dimensyon ng edad pagdating sa prostitusyon, kung saan ang puke ng matandanang prostituted ay inihahalintulad sa taba.Sa ikalawang dimensyon, makikita ang ibat ibang nosyon ng labis.Ang puke ng matandaay maaaring mangahulugan ng kalabisan sa paggamit sa sekswal na kapitalna katulad ng anumang52 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 monopolyong kapital, kapag nalubos na ang pagkasangkapan dito o kapag naluma nat napagsawaan na, ay itatapon na lamang bilang basura dahil nahusto o naubos na nito ang komodipikadong halaga nito. Ang tabaay maaaring mangahulugan ng labis na pagkain kung kaya tumaba o, sa pangkalusugang terminolohiya, ng labis na langisdumi na hindi nailalabas ng katawan. Manipestasyon ang taba ng kasibaan, na siyang ipinahihintulot at ipinasasagawa sa mga konsumer ng monopolyong kapitalismo. Ang puke ng matandaat ang tabaay kapwa labis na produkto ng overdetermination. Samakatwid, ang kalabisan ay ubod at buod ng pagkakalakal ng monopolyong kapitalismo. Matatalos mula sa ganitong nosyon na ang disgusto sa mga babaeng prostituted ay bilang labis na produkto ng overdetermination. Malinaw sa mga tulansangang ito na, kaiba sa prostitusyon sa pangmadlang midya, ang prostitusyon sa lansangan at ang prostitusyon ng mababang uring panlipunan ay kasalanan at dapat ikahiya. Ito ang didaktiko-moralistikong dimensyon ng overdetermined product ng prostitusyon. Ayon nga kay Tadiar, ang prostitusyon ng mga impormal na manggagawa sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon ng mga serbisyong kaswal ay nagtatakda ng pagkatunaw ng mga hangganan ng kanilang mga sarili at katawan bilang kapalit sa ikabubuhay (1995, 302). Samakatuwid, ang sexismo ng monopolyong kapitalismo ay siya ring ipinamumutawing sexismo ng patriarka-metropolis-estado. Tatlong operasyon ng sexismo ang matutunghayan sa mga tulansangan: Una, ang komodipikasyon ng babae at ang pagsadlak sa babae bilang mahinat pinangingibabawang kasarian. Ikalawa, ang pagsadlak sa bakla bilang imahen ng katatawanan at bilang kinagagalitang kasarian. At ikatlo, ang pinakapinaiilanlang na sexismo, ang pagtatanghal sa lalaki bilang nakapangyayaring kasarian. Titi sa Garapon: Pagbaklas sa Patriyarka-Metropolis-Estado Kung may pagkakatulad ang tatlong tulansangang Sabihin Mo sa Ate Mo, Break na Kami(A. Ramos), Eugene, Taguro, Jeremiah, Jericho(Ibanez), at Kaming mga Bata Mabilis Madaig(Ocbena) sa kalakhan ng mga tulansangang natalakay na, iyon ay ang pagtataglay ng mga ito ng patriarkal na ideolohiya. Ang bago lamang sa tatlong tulansangan ay ang lantad na regurgitation at muling paggigiit ng patriarkiya. Sa tulansangang Sabihin mo sa Ate mo, Break na Kami,muling makikita ang abstraksyon ng tiraniya ng patriyarkiya: Sabihin mo sa ate mo, break na kami Nakita ko ang panty niya ganun kalaki May butas sa gitna, pinasukan ng daga Sabi ng daga ay Eat Bulaga!(A. Ramos) Idedeklara ng persona sa kapatid ng kanyang kasintahan na Sabihin mo sa ate mo, break na kamidahil nakita diumano nito ang malaking panty ng kanyang kasintahan. Ani pa ng persona sa tulansangan, ang panty ng kanyang kasintahan ay may butas sa gitnaat pinasukan ng daga.Mas titingkad pa ang superlatibo at pantastikong abstraksyon dahil sa huling linya ng tulansangan, ang Sabi ng daga ay Eat Bulaga!Kapag sinuring maigi ang tulansangang ito, mahihibo ang tiraniya laban sa babae: (1) ang deklarasyon ng pag-iwan sa babae; at, (2) ang dahilan ng pag-iwan ay dahil sa malaking panty na may butas sa gitna at pinasukan ng daga.Malinaw ang deklarasyon, pero abstrakto ang dahilan. Kapag sinuri ang mga linyang nagsisiwalat ng dahilan ng pag-iwan, maaaring mahinuhang nadiskubre ng lalaking persona na ang kanyang kasintahan ay hindi na birhen, sapagkat mayroon nang naunang bumulagang dagaritona malinaw na reperensya sa daga bilang ari ng lalakiat ang pag-Eat Bulaga!ng daga ay nangangahulugan ng pagtatalik. Ito ang makaisang-panig na heterosexismo ng patriarkal na sistemana hindi tinatanggap at iniiwan ang babaeng hindi na birhen at, modelo at ideyal ang lalaking hindi na birhen. Mababasa sa tulansangan ang epistemolohikal na karahasan ng lalaki sa babae. Mas matingkad naman ang ganitong uriCHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 53 MALAY ng karahasan sa direktang pagsasamantala sa kababaihan tulad ng ipinataw sa tulansangang Eugene, Taguro, Jeremiah, Jericho,kung saan si hinarass si Fujiconi Lupin the Third: Eugene, Taguro, Jeremiah, Jericho Lupin the Third, hinarass si Fujico Saludo kami kay San Goku Pati na rin kay tito Piccolong kalbong Naemik (Ibanez) Sa unang bersyon naman ng tulansangang Leron, Leron, Sinta(Labiano), gayundin ang pisikal at simbolikal na karahasang ipinataw ng patriarka-metropolis-estado sa kababaihan: Leron, leron, sinta Butas ang kubeta Dala-dalay tabo Hugas pekpek baho Babaeng nadulas Pekpek ay nagasgas Nakita ni Mang Tomas Titi ay nanigas (Labiano) Makikita na ang unang bersyong ito ng tulansangang Leron, Leron Sintaay halaw sa matandang tulang bayang Leron, Leron Sinta(Hale, Hale, Hoy! 2006, 5455) tungkol sa hirap na pinagdaraanan ng isang mamamayan sa panunungkit, pamumuslo, at pananampalok sa kanayunan. Ibig sabihin, ipinapakita rito ang pangunahing pang-ekonomiyang baseng agrikultural sa Pilipinas: Leron, leron, Sinta Buko ng papaya Dala-dalay buslo Sisidlan ng bunga Pagdating sa duloy Nabali ang sanga Kapos kapalaran Humanap ng iba. Gumising ka Neneng Tayoy manampalok Dalhin mo ang buslot Sisidlan ng hinog; Pagdating sa duloy Lalamba-lambayog Kumapit ka, Neneng Baka ka mahulog (Hale, Hale, Hoy! 54-55). Ngunit may erotikong dimensyon na matagal nang nahihiwatigan sa tulang bayang Leron, Leron, Sinta.Sa tulang bayan, sa ikalawang berso, ginising at niyaya ng persona ang kanyang sintang si Neneng upang manampalok,o mamitas ng sampalok. Ngunit makikitang napakalapit ng reperensya sa seks ng mga linyang ginamit sa tulang bayan. Ang tayoy manampalokay nahihipo bilang pagyayaya ng pakikipagtalikat maaari pa ngang sabihing ang sampalokay ang titi ng lalaki.Ang dalhin mo ang buslonaman ay mababasa bilang puke ng babae na sisidlan ng hinog,na ang ibig sabihin naman ay ang katasng lalaki. Napakaerotiko rin ng lunan kung saan napiling magtalik ng persona at ni Nenengsa ibabaw ng mga sanga at sa lilim ng mga dahon ng puno: Pagdating sa duloy /Lalamba-lambayog.Kung kaya, kung babasahing maigi, ang tulang bayang ito ay erotiko, ibig sabihin, kapwa gusto ng dalawang partido ang pakikipagtalik. Hindi katulad ng projeksyon sa unang bersyon ng tulang bayan kung saan binobosohan at pinagsasamantalahan ang babae ng patriarkal na lalaki. Sa Kaming mga Bata Mabilis Madaignaman, aakalaing tungkol ang tulansangang ito sa kahinaan ng mga batang lalaki dahil ang unang linya ay nagpapahiwatig na silay mabilis madaig.Ngunit pagkatapos nito, itatanghal ng mga persona sa tulansangan ang pagpupunyagio pagpopostura ng pagpupunyaging dakilang sistemang patriarkal: Kaming mga bata mabilis madaig Pero sa chicks di kami padadaig Bato na kay tigas, pader na kay taas Aakyatin namin makita lang ang aming crush Warrior sa preno Tila Baryo Santo NiƱo54 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 Hindi aatras kay Andres Bonifacio Subukan nyo kami I like you, want to see Di namin palalagpasin ang originality Y2K Stupid! Matigas! Kung tapos ka na, ako naman titirada (Ocbena) Sa unang bugso ng pagpoposturang ito, sasabihin ng mga persona sa ikalawang linya ng tulansangan na Pero sa chicks, di kami padadaig.Ibubunsod pa ang pagkalalaki ng mga batang persona sa istiryotipo ng makalalaking kagitinganna mabubuod sa aktibong papel ng lalaki sa pagsuyo sa babae. Makikita ito sa mga linyang Bato na kay tigas, pader na kay taas /Aakyatin namin makita lang ang aming crushat Hindi aatras kay Andres Bonifacio.Sa poetikong sitwasyong ito, lalabnaw ang rebolusyonaryong kagitingan ni Bonifacio. Hinuhugot ang katapangan ni Bonifacio mula sa historikal na signipikasyon nito bilang antikolonyal at rebolusyonaryong katapangan at itinatanim ito sa bagong poetikong sitwasyonang pagpapatalos ng katapangan ng lalaki para sa sinusuyong babae. Samakatwid, ang dimensyon ni Bonifacio bilang rebolusyonaryo ay nawawalaat sinasabi pang higit na katapangan ang pagsakripisyo para sa babae kaysa sa pagsakripisyo para sa bayan. Kaugnay nito, makikita na hindi lamang patriarkal na ideolohiya ang ipinakikintal ng tulansangang ito, kundi maging ang anti-rebolusyonaryong ideolohiya (Hindi aatras kay Andres Bonifacio). Bagaman pagsasadlak ang kalakhan ng pagturing sa mga babae at bakla sa tulansangan, maaari ring basahin ang transgresibong potensyal ng ilang tauhang babae at bakla sa ilang tulansangan. Sa paghihirating ito, ang simbolikal at alegorikal na pagtunggali sa tiranikal na abstraksyon ng patriyarkiya ay mababasa bilang abstraksyon sa patriyarkiya-metropolis-estado. Tulad ng tuntungan ng pag-aaral na ito, bagaman may pinangingibabaw na ideolohiya at normatibo ang estado, palaging mas malawak at mas malalim ang kontra-gahum, organisado man o hindi, ng mamamayan. Ang tulansangan, sa puntong ito, ay makikitaan ng transgresyon. Masisipat ang potensyal ng transgresyong ito sa alegorikal na pagtimbuwal sa kapangyarihan ng lalaki, lalo na sa lalim ng pagpapakahulugang makikita sa mga tulansangan kung saan binabalikwasan ang primordial na kapangyarihang nakalalang sa ari ng lalaki. Halimbawa, dalawang gradasyon ng subersyon ang masisipat sa tulansangang Sinilang Ka sa Sementeryo: Sinilang ka sa sementeryo Laking gulat ng mga multo Pati si Satanas, napatakbo Titi ng Hapon nasa garapon Patalun-talon (Ocbena) (1) ang pagputol sa ari ng lalaki at ang paglalagay nito sa garapon; at, (2) ang aring pinutol at inilagay sa garapon ay pagmamay-ari ng Hapon. Sa unang gradasyon ng subersyon, ang mutilasyon sa ari ng lalaki ay hindi dapat suriin bilang akto lamang ng anarkistang paghihiganti kundi alegorya ng pagtitimbuwal sa sentrong-kapangyarihan ng lalaki. Na kahit na sa huling linya ng tulansangan ay patalun-talonang titi ng Hapon nasa garaponay hindi ito nagtagumpay. Sa ikalawang gradasyon ng subersyon, depinitibo ang pagtatakda na ang aring pinatimbuwal ay titi ng Haponsapagkat mayroon itong panlipunang pag-asinta sa kolonyal na panggagahasang ginawa ng imperyalistang Hapon. Samakatwid, lampas sa usapin ng kasarian ang binabanggang relasyong pangkapangyarihan sa tulansangang ito. Dinudunggol din nito ang epistemiko at kolonyal na karahasang ipinataw noon ng mga kolonisador na Hapon. Masisipat rin ang katumbas na politikal na naratibo ng pagbalikwas sa isang bersyon ng Sinilang Ka sa Sementeryo,ang tulansangang Nang Isilang Ka sa Mundong Ito:CHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 55 MALAY Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ni Kamatayan Pati si Kamatayan tinakot mo Titi ng Hapon nasa garapon Palangoy-langoy (Perez et al.) Ang katalogo naman ng pagpapatawa sa ikalawang bersyon ng tulansangang Leron, Leron, Sinta(Ebora) ang pinakapoetika ng pag-asinta sa patriyarkiya at sa kolonyal na pandirigma. Kung sa matandang tulang bayan ay naratibo ng kanayunan at erotikong erudisyon ng kanayunan ang mababanaag, lubos pa itong magbabago sa ikalawang bersyon ng Leron, Leron, Sinta(Ebora), kung saan naganap na ang samut saring kolonyal na pandirigma sa mga Pilipino. Makikita rin na kung ang sinisintang babae sa matandang tulang bayan ay si Nenengna representasyon ng rural at prekolonyal na babaehahalinhinan siya ni Eba sa ikalawang bersyon ng tulansangan. Sa katunayan, ang paggamit sa pangalang Eba ay nagpapahiwatig na agad ng kolonyal na Kastilang karanasan at impluwensya sa relihiyon, kultura, at ekonomiya: Leron, leron, sinta Buksan ang bumbilya Doon makikita ang puso ni Eba Ang puso ni Eba panlaban sa gera Tapos na ang gera Ikakasal na siya. Anong ihahanda? Baboy na may muta. Anong ipapansit? Bulate sa puwit. Anong isasabaw? Ihi ng kalabaw. Anong ipiprito? Titi ni Panchito. (Ebora) Higit pa rito, makikita na ang linyang Ang puso ni Eba panlaban sa geraay pahiwatig ng mataas na pagturing sa papel ng babae sa pakikidigma laban sa mga kolonisador na Kastila. Ang mataas na posisyong ito ng kababaihan bilang mga mandirigma at anti-kolonyal ay susubuking lunurin ng nosyon na Tapos na ang geraang deklarasyon ng imperyalistang Estados Unidos na malayana ang Pilipinas mula sa mga kolonyalistang Kastilaat itatali si Eba sa pagpapakasal sa lalaki (Ikakasal na siya), ang domestikadong kaayusan ng patriyarkiya para sa babae. Ngunit ang katalogo ng mga pagpapatawa at panunukso sa tulansangang ito ang magsasabi na hindi sumasang-ayon ang babae sa pagsasadlak sa kanya sa domestikadong kaayusan. Sa katunayan, ipinapakita ng mga putaheng ihahanda sa piging matapos ang kasal ang literal at simbolikal na pambabastos sa namamayaning sistema ng patriarka at bagong kolonyalismong Amerikano: pansit na gawa sa bulate sa puwit,sabaw na gawa sa ihi ng kalabaw,at piniritong titi ni Panchito.Ang pahiwatig ng abstraksyon sa patriarka ay masisilo sa mga linyang Anong ipiprito? /Titi ni Panchito.Si Panchito ay isa sa pinakasikat na komedyante noong kapanahunan ni Dolphy ang tinaguriang Hari ng Komedyang Pilipino. Si Panchito ang madalas na sidekick ni Dolphy. Sa tulansangang ito, makikita na tila walangkawawaan kung bakit ang pangalan ni Panchito ang ginamitmasasabi pa ngang dahil katugma nito ang pandiwang ipiprito. Ngunit marapat basahin ito sa pangkabuuang konteksto na si Panchito man ay overdetermined product ng kapitalismong Amerikanoat silang nagdala ng konsumeristang industriya sa bansa sa pamamagitan ng kulturang popular ng telebisyon at pelikula. Dito mauugat ang paggamit kay Panchito sa tulansangan. Lalo at higit, malaki ang implikasyon na ipipritoang Titi ni Panchitosapagkat nasa modalidad ito ng pagtagpas sa impluwensya ng nagsasalimbayang mga sistemang patriarkal (titi) at sistemang kapitalista (Panchito). Sa tulansangan naman na Ako si Volta(Galvez), ang abstraksyon sa patriarkiya ay ang pagkakarnabal dito sa pamamagitan ng pagkutya sa titing di gumagana: Ako si Volta Titing di gumagana Itsumo Titi mong kakalog-kalog (Galvez)56 M.F.C. ANDRADA TOMO XX BLG. 1 SETYEMBRE 2007 Samakatuwid, ang subersyong namamalas sa mga tulansangang ito ay nasa digri ng abstraksyon sa patriyarkiya at sa imperyalismong Hapon, tulad ng maaaring isimbolisa ng salitang Itsumoisang awit-sayaw na mula sa bansang Hapon na pinauso noon ni Judy Ann Santosngunit mas higit ang subersyon ng sistemang patriyarkal lamang. At sa gayong punto, maaaring sabihin na bagaman marami sa mga tulansangang ginamit sa pag-aaral na ito ay pumapabor, malay man o hindi, sa nakapangyayaring kalakalan, hindi ito nangangahulugan na lahat ng mga tulansangan ay nababaligho. Sapagkat, tulad nang masasaludsod sa ilan sa mga ito, tereyn rin ng subersibong ideolohiya at potensiyal na transgresyon ang mga tulansangan. MGA TALAHULIHAN 1 Sa akin ang pormulasyon ng terminong ito. Ang mga tulansangan o tulang lansanganay ang kontemporaryong produksyon at reproduksyon ng mga bata (at matanda) ng mga tulat tugmang kadalasang sinasambit o inaawit sa kanilang paglalaro o paghuhuntahan sa lansangan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, masalimuot ang paraan ng paglikha ng mga bata ng kanilang mga tulansangan. Tulad ng anumang produksyon at reproduksyong pampanitikan at pangkultura, hindi hiwalay ang mga tula at tugmang mismong mga bata ang umakda sa pangkalahatang karanasan ng bansa sa larangan ng pulitika, kultura, at ekonomiya. Ang tulansangan ay bahagi ng kontinuum (continuum)pagpapatuloy at pagbabagong mga tulang katutubo at tulang bayan sa konteksto ng mga pagbabagong kasaysayan ng bansa. 2 Kalakhan ng mga tulansangang may temang sekswalo di kayay bulgar na nagpapatalos ukol sa seks at/o sekswalidaday nakalap mula sa mga batang naninirahan sa mararalitang bahagi ng Kamaynilaan. Sa madaling salita, nagmula ang mga tulansangang iyon sa mga batang kabilang sa mababang uring panlipunan. Nangangahulugan ito na normatibong bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng mga batang maralita ng lungsod ang ganitong uncensored na wika at panitikan. Hindi ito nangangahulugan na hindi sibilisadoo imoralang mga batang ito kundi ipinapakita nito na bahagi ang ganitong erudisyon ng sekswalidad ng panitikan at kultura ng kahirapan. Samantala, ang mga tulansangang may temang moralistiko at konserbatibo naman ay nakalap mula sa mga batang kabilang sa panggitna at nakatataas na uring panlipunaniyong may mas matingkad na antas ng konserbatismo at konsumerismo ng monopolyo kapitalismo. 3 Mungkahing linggwistikong pagpapakahulugan ito ni Prop. Will Ortiz noong Marso 21, 2007. MGA SANGGUNIAN Adarna House, Inc. at Ang Ilustrador ng Kabataan. Hale, Hale, Hoy!: Mga Laro, Kanta, Tugma, at Bugtong ng Batang Filipino. QC: Adarna House, Inc. 2006. Brah, Avtar, Helen Crowley, Lyn Thomas, at Merl Storr, mga editor. Feminist Review. 2002. Vol 70. www.feminist-review.com. Guerrero, Amado. Philippine Society and Revolution. Fifth edition. Pilipinas: Aklat ng Bayan, Inc. 2006. Pease, Allison. Modernism, Mass Culture, and the Aesthetics of Obscenity. Cambridge: Cambridge U P. 2000. Sison, Jose Ma. Krisis at Rebolusyong Pilipino. Manila: Amado V. Hernandez Resource Center, Inc., at College EditorsGuild of the Philippines. 1998. ____________. Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya. Isinalin ng Kapisanan ng mga Tagasalin para sa Bayan (Salin-Bayan) mula sa Struggle for National Democracy Manila: Amado V. Hernandez Resource Center, Inc. at College EditorsGuild of the Philippines. 2001.CHIPAPARU AT PUKITAKTE: TULANSANGANG SEKSWAL 57 MALAY Galvez, Lyka, 12 taong gulang. Basilio St., Sampaloc, Manila. Marso 10, 2005. Ibanez, Gwane, 11 taong gulang. Pansol, Balara, Quezon City. Enero 22, 2007 Jarabeo, Kim, 6 na taong gulang; Tintin Santiago, 10 taong gulang; Divine Jane Ocbena, 8 taong gulang; Angel Obran, 11 taong gulang; at, Rene Rose Obrar, 11 taong gulang. Marytown, Katipunan, Quezon City. Marso 16, 2005. Labiano, John David, 10 taong gulang. Sunflower St., Payatas A, Quezon City. Marso 14, 2005. Mendoza, Zayra, 11 taong gulang. Lipa City, Batangas. Marso 19, 2005. Ocbena, Rey Mark. 9 taong gulang. Marytown, Katipunan, Quezon City. Marso 16, 2005. Panerio, Jonalyn V. 12 taong gulang. 167 F. Cadena de Amor St., Pineda, Pasig City. Marso 20, 2005. Perez, Jason, 9 na taong gulang; Julie David, Jessa Abalos, at Rowena Perez, 11 taong gulang. Basilio St., Sampaloc, Manila. Marso 10, 2005. Ramos, Amylyn, 6 na taong gulang. Bayanihan St. Extension, Batasan Hills, Quezon City. Marso 21, 2005. Ramos, Chris, 10 taong gulang. Phase IV Palmera Homes, Fairview, Quezon City. Marso 10, 2005. Rosales, Riz, 7 taong gulang. Diliman Preparatory School, Quezon City. Marso 2005. _____________. Armed Forces should stop extrajudicial killings and not deflect public attention from these by maligning my Christmas party pictures with Ara Mina. date =070303;language=eng. Marso 3, 2007. Tadiar, Neferti Xina M. Manilas New Metropolitan Form.Discrepant Histories: Translocal Essays on Filipino Cultures. Inedit ni Vicente L. Rafael. Pasig: Anvil Publishing, Inc. 1995. Williams, Raymond. Culture and Materialism: Selected Essays. New York: Verso. 1980, 2005. Mga Impormante Babila, John Michael, 12 taong gulang; at John Mar Racal, 7 taong gulang. Rosal St., Payatas A, Quezon City. Marso 14, 2005. Bernal, Argel, 13 taong gulang; Angelito Castro, 11 taong gulang; at, Jamie Nepomuceno, 12 taong gulang. Angeles St., Brgy. Krus na Ligas, Diliman, Quezon City. Marso 16, 2005. Danan, Ellen L, 8 taong gulang. 2-B Matiwasay St., Krus na Ligas, Quezon City. Marso 20, 2005. Ebora, Alex B. 13 taong gulang. Manabat St., BiƱan, Laguna, Marso 19, 2005.

Description
An exposition of the gender and sexual issues in some selected songs / poems

Comments

Want to learn?

Sign up and browse through relevant courses.

Name:
Your Email:
Password:
Country:
Contact no:


Area code Number
Subjects you are interested in:
Word verification: (Enter the text as in image)


Sign Up Already a member? Sign In
I agree to WizIQ's User Agreement & Privacy Policy
RONNIE PASIGUI
PHILOSOPHY PROFESSOR (PHILIPPINES)
User
303 Followers

Your Facebook Friends on WizIQ

Give live classes, create & sell online courses

Try it free Plans & Pricing

Connect